KORONADAL CITY – Kumpirmadong patay ang itinuturong motornapper matapos umanong manlaban sa kapulisan sa Purok Singko, Barangay Crossing Palkan, Polomolok, South Cotabato.
Ito’y base sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Capt. Rommel Hitalia, deputy chief of police ng Polomolok-Philippine National Police.
Kinilala ang suspek na si Ronald Magalino, habang ang kasamahan nito na si alyas Taloy Makatigil ay suwerteng nakatakas.
Napag-alaman na parehong miyembro ng Dawlah Islamiyah ang mga suspek at sangkot sa carnapping, pag-ambush sa mga pulis at iba pang krimen.
Ayon kay Hitalia, mayroong nag-report sa kanila sa mga suspek na sumakay daw sa karnap na motorsiklo kaya nagsawa ng operasyon ang mga ito.
Bagama’t nagpahabol pa ang mga ito, matagumpay na nabawi ang nakarnap na motorsiklo ng biktima na si Ivan Jay Nalugon.
Si Nagulon ay binaril-patay ng mga suspek sa Barangay Silway 8 sa nasabing bayan.
Nadala pa sa ospital ang suspek ngunit ideniklara itong dead on arrival.