NAGA CITY – Patay ang isang motorista matapos ang kinasangkutan nitong aksidente sa lungsod ng Lucena.

Kinilala ang biktima na si Royce Christian Martillana Manalang, 18.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na naaksidente ang biktima matapos makabanggaan nito ang isang Toyota Fortuner.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Manalang na agad namang itinakbo sa ospital ngunit binawian ng buhay habang ginagamot.

Sa ngayon, desidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng karampatang kaso laban sa driver ng naturang sasakyan.