-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagka lasog-lasog sa sugat ang isang motorista na nagresulta sa agarang pagkamatay nito matapos nabangga sa paparating na armoured vehicle matapos itong nag overtake sa isang sasakyan.

Ayon kay Police MSgt Garcia ng TRaffic Division ng Polomolok Police Station na ala 10 am nagdaang araw pauwi na ng Gensan mula sa direksyon ng Koronadal City ang biktima na si Niel Anthony Mercado 25 residente ng San Pedro Lagao nitong lungsod habang maneho ang automatic motor.

Pagdating umano nito sa national highway ng Purok 8 Barangay Sulit, Polomolok nag over take ito sa sinundan na sasakyan subalit nawalan umano ito ng kontrol at nabangga ang paparating na armourmed personnel carrier na pagmay-ari ng isang security agency.

Kaagad nagsurender sa Pulisya ang driver ng van na si Donidel Mato 34 na residente ng Guinsang-an, Sto NiƱo, South Cotabato habang haharapin ng driver ang kaso na reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.