-- Advertisements --

Lusot na sa komite ng Senado ang panukalang maging legal ang pamamasada ng mga motorsiklo o kilala rin bilang Motorcycle For Hire Act, bilang alternatibong sasakyan sa regular na public utility vehicles.

Ayon kay Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe, 16 na senador na ang lumagda sa kanilang committee report.

Gayunman, inaasahang magkakaroon pa ng debate ukol sa ilang desiplinang ipapatupad.

Maging ang limitasyon sa klase ng motorsiklo, bigat ng mga papayagang pasahero at marami pang iba ay pinag-uusapan din.

Naniniwala si Poe na malaking tulong ang mga motorsiklo bilang alternatibo para sa mga mananakay na madalas maipit sa mabigat na daloy ng trapiko.