Posibleng bubuksan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bago nitong programa na pagbibigay ng libreng training sa mga motorcycle-riding enthusiasts sa buwan ng Agusto.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Romando Artes, nasa final stage na ang konstruksyon sa mga classroom para sa mga sasabak na rider.
Sa inisyal na plano, 100 riders ang tatanggapin sa bawat batch na sasalang sa training course.
Bawat batch aniya ay sasalang sa dalawang araw na training para sa iba’t ibang aspeto ng motorcycle-riding na unang inihanay ng kanilang mga eksperto.
Naniniwala naman si Artes na sasamantalahin ito ng mga motorista na silang pangunahing mabebenepisyuhan sa bagong proyekto ng MMDA.
Binuo aniya ang Motorcycle Academy para mabawasan ang mga aksidente sa kalsada sa Metro Manila.