-- Advertisements --

CEBU – Emosyunal na ibinahagi ng isang medical frontliner ang naging karanasan nito at ng iilang medical frontliners hinggil sa diskriminasyon mula sa iilang indibidwal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, sinabi ng chief nurse ng isang pribadong hospital sa lungsod ng Cebu na si Michelle Bathan Yu kabilang sa diskrimisyon na naransan ng kanyang mga kasama ang umano’y pagbawal ng landlord sa tinitirahan nitong boarding house na makalabas ito at pupunta sa trabaho.

Samantalang mayroon ding nabugbog na asawa ng nurse dahil sa paghatid nito ng kanyang asawa sa pinagtatrabahuang hospital.

Kaugnay nito, inihayag ni Yu na gumawa sila ng hakbang para makaka-iwas sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng iilang indibidwal.

Ayon kay Yu na naintidihan niya ang takot na nararamdaman ng publiko sa coronavirus pandemic dahil pati sila ay natatakot din.

Nanawagan ito ng kooperasyon at pag-unawa sa publiko.

Binigyang diin nito na hindi lang para sa kanila na mga frontliners ang laban para sa coronavirus kundi laban ng lahat.

Aniya’y hindi diskrimiasyon kundi motivation ang kinakailangan ng mga frontliners sa ngayon dahil ipinupunto nito na mahihirapan silang magbigay ng serbisyo kung ang mismong publiko ay nandidiri sa kanila.

Napag-alaman na kabilang din si Yu sa mga naka work quarantine ngayon dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus kung saan ilang buwan na nitong di nakakasama ang pamilya.

Samantalang nagpapasalamat ito sa hakbang na ginawa ng City government hinggil sa pagtugis at pagpapa imbestiga sa nan-discriminate ng frontliners.