-- Advertisements --

Ibinasura ng Supreme Court, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang mosyon ni Solicitor General Jose Calida na nagpapa-inhibit kay Assoc. Justice Marvic Leonen sa electoral protest ng natalong vice presidential candidate Bongbong Marcos.

Ayon sa source, pinagpapaliwanag ng PET si Calida para hindi ma-cite in contempt matapos ihain ang mosyon laban kay Leonen.

Pati na ang Manila Times reporter na si Jomar Canlas, matapos gamitin nina Calida at Marcos ang kanyang mga artikulo tungkol kay Leonen, bilang “grounds for inhibition” ng mahistrado.

Bukod sa mosyon ng Solicitor General, ibinasura rin daw ng PET ang mosyon ni Marcos.