-- Advertisements --

Wala pang motibong nakikita ang mga kapulisan sa Colorado matapos ang naganap na pamamaril sa isang gay club na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng 18 iba pa.

Nasa pagamutan pa kasi ang suspek ang 22-anyos na suspek na si Anderson Lee Aldrich matapos na maaresto.

Naaresto lamang ang suspek matapos na pagtulungan ng dalawang katao sa loob ng club.

Nakuha sa kustodiya ng suspek ang dalawang baril.

Hindi naman isinasantabi ng mga otoridad na isa itong hate crime at patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon ukol dito.

Magugunitang biglang pumasok ang suspek sa Club Q kung saan nagsasagawa ng dance party ang club ng walang habas na namaril ito.

Kinondina naman ni Colorado Springs mayor John Suthers ang pangyayari at sinabing walang puwang sa kanilan ang anumang uri ng hate crimes.

Pinuri naman ni Governor of Colorado Jared Polis na isa ring gay ang dalawang kalalakihan na humarang at pumigil sa nasabing suspek na mamaril pa.