Aminado ang Department of Justice na hindi pa rin tiyak ang dahilan sa likod ng naganap na pagsabag sa tapat nito noong Lunes, ika-27, ng Hulyo.
Inamin mismo ni DOJ Undresecretary Ian Norman Dato na hindi pa nila alam ang tunay na rason o motibo ng pagsabog.
Aniya’y sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon patungkol sa naturang insidente.
Maguginitang kasabay sa naganap na ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, hatinggabi nito’y may nangyaring pagsabog sa Department of Justice.
Pasado alas-dose ng hatinggabi ay sumabog ang isang hinihinalang IED o improvised explosive device malapit sa entrance ng kagawaran.
Ayon kay Usec. Dato, iniimbestigahan din kung may koneksyon ito sa narekober na pampasabog malapit naman sa Senado, lungsod ng Pasay, sa kaparehong araw ng Lunes.
Ngunit sa kabila nito’y makaseseguro naman umano na ligtas na sa buong pasalidad ng Department of Justice matapos ang pangyayari sa tulong na rin ng ilang kapulisan.
















