Dumulog sa Kataas-taasang Hukuman ang ilang grupo ng mga abogado upang hilingin na pansamantalang itigil ang ‘Impeachment Trial’ laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon at mga kasamang abogado, kanilang inihain ang ‘Very Urgent Manifestation with Motion’ sa Korte Suprema.
Layon sa naturang mosyon na mag-isyu ang hukuman ng Status Quo Ante Order para pigilan ang Impeachment Court, mga opisyal, kinatawan at lahat ng tauhan na ipagpatuloy ang paglilitis, pagtanggap ng ebisensya, o proseso ng ‘impeachment’.
Nais kasi ng mga petisyuner na mabigyang linaw muna ang naunang petisyon kumukwestyon sa legalidad ng naganap na sesyon noong June 3, 2026 nagpabago sa liderato ng senado.
Hiniling din ng grupo sa Korte Suprema na mag-isyu ito ng kaukulang kautusan nagsasabing dapat lamang magpatuloy ang ‘Impechment Trial’ kung ang Rules of Procedure ay nasusunod at ang awtoridad ng ‘presiding officer’ ay hindi nahaharap sa ‘unresolved constitutional challenge’.
Gayunpaman, paglilinaw nila na ang mosyon ito ay hindi patungkol sa pulitika kundi pagiging ‘valid’ at naayon sa batas ng paglitis o pagdinig ng ‘impeachment’ kay Vice President Sara Duterte.















