Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Guian, Eastern Samar Mayor Annaliza Gonzales-Kwan na humihiling na hamunin ang mga ebidensya ng prosekusyon sa kanyang kasong graft.
Batay sa resolusyon ng 6th Division, sinabi ng anti-graft court na sapat ang inilatag na mga ebidensya ng prosekusyon para madiin sa kaso ang dating alkalde.
Nilinaw ng Sandiganbayan na maaari pa ring maghain ng parehong mosyon ang kampo ni Gonzales-Kwan at mga kapwa akusado.
Pero mawawalan na raw ng pagkakataon ang mga akusado na makapaghain ng ebidensya, gayundin na agad na nilang iaakayat para sa desisyon ang kaso.
Bukod sa dating mayor, dawit din sa kaso sina dating bids and awards committee (BAC) members Arsenio Salmida, Esperanza Cotin, Ma. Nenita Ecleo, Felipe Padual, Danilo Colandog, at Gilberto Labicane.
Nag-ugat ang kaso matapos umanong magsabwatan ang mga akusado sa paggawad ng P2.1-milyong fire truck contract nang hindi dumadaan sa proseso ng bidding.