-- Advertisements --
image 14

Inaasahang mareresolba sa mga susunod na araw ang mosyon na pumipigil sa panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) mula sa pag-iimbestiga sa dalawang kasong murder na isinampa laban kay suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.

Ang kampo ni Bantag ang naghain ng motion to inhibit na inakusahan bilang mastermind o utak sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at sa inmate at middleman na si Jun Villamor.

Iginigiit kasi ni Bantag na ang Office of the ombudsman ang mayroong hurisdiksiyon sa pagiimbestiga sa mga reklamong inihain laban sa kaniya.

Magugunita na pinatawag ang suspended BuCorchief at inatasan na maghain ng kaniyang counter affidavit sa murder complaints pero sa halip ay humiling ito ng inhibition ng panel ng DOJ sa imbestigayon sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Atty. Rocky Balisong.

Kinumpirma naman ni DOJ Prosecutor General Benedicto A. Malcontento na isinumite na ng kanilang panel for resolution ang mosyon ni Bantag.