bohol1

Arestado ang most wanted drug suspect sa ikinasang law enforcement operation ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) Visayas Field Unit (VFU) kahapon sa Ilaud Poblacion, Inabanga,Bohol.


Ang nasabing operasyon ay bahagi ng One Time Big Time Drugs Operation na ikinasa sa Visayas region.

Ayon kay PNP AKG Director, BGen. Jonnel Estomo, nagsagawa ng surveillance at police operations ang kaniyang mga tauhan sa pamumuno ni Col. Salvador Alacyang kasama ang iba pang police units laban sa suspek.


Kinilala ni Estomo ang naarestong drug personality na si Mico Doblas, mayruong standing warrant of arrest dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

-- Advertisement --

Walang piyansa na inirekumenda ang korte laban sa suspek.


Si Doblas ay sangkot sa ibat ibang iligal na aktibidad sa bayan ng Inabanga at iba pang bayan sa Bohol.


Kasalukuyang nakakulong sa Inabanga, Bohol Municipal Police Station ang suspek habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.