-- Advertisements --

Naglabas ng bagong pag-aaral ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na may dulot na napakadelikadong epekto ang monkeypox infections sa mga taong dinapuan ng HIV.

Ayon kay Dr. Jonathan Mermin ng US CDC, na sa ginawa nilang pag-aaral sa 57 pasyente sa pagamutan na may severe monkeypox complication ay lumabas na 83 percent sa kanila ay humina ang kanilang immune systems.

Mayroon aniyang hindi magandang epekto sa katawan ng isang taong positibo sa HIV na dinapuan ng monkeypox.

Sa kasalukuyan ay halos 80,000 na mga katao sa buong mundo ang dinapuan na ng monkeypox.

Aabot naman sa mahigit 28,000 katao sa US ang dinapuan ng monkey na nagsimula itong madetect noong Mayo.