-- Advertisements --
Pinawi ng World Health Organization (WHO) ang pangamba ng marami tungkol sa monkeypox sa buong mundo.
Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus , na wala pa sa level ng global health emergency ang nasabing virus.
Paliwanag nito na kaya hind pa nila inilagay sa highest alert level ang monkeypox ay dahil sa mabagal ang pagkalat nito sa West at Central Africa.
Mahigit 84% na mga kaso ay mula sa Europa.
Patuloy din nito hinikayat ang mga bansa na paigtingin ang pagbabantay gaya ng contact tracing, testing at matiyak na ang mga tao na nasa panganib ay magkaroon ng access sa bakuna at antiviral treatments.
Base kasi sa datus ng WHO na mayroong halos 3,000 na kaso ng monkeypox ang kanilang naitala sa 50 bansa noon pang Mayo.