Desidido ang Philippine Navy na magtayo ng naval detachment sa Fuga Island sa Batanes dahil sa umano’y strategic location nito.
Ito ang inihayag ni Philippine Navy chief VADM Robert Empedrad sa gitna ng balitang may itatayong investments ang mga Chinese businessmen sa isla.
Sinabi ni Empedrad na may pag-uusap ng ginagawa sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) hinggil sa planong pagtatayo ng detachment ng Navy sa Fuga Island.
Ayon sa navy chief, magandang pwesto ang Fuga Island na pagtayuan ng “littoral monitoring station” dahil lahat ng mga barkong dumadaan sa karagatan ng Pilipinas ay makikita umano sa pamamagitan nito.
Ibinunyag pa ni Empedrad na ang nasabing lugar ay daanan ng mga submarines kaya dapat talagang bantayan.
“We need to have Navy there so we can monitor ships transiting that very important area, and submarines also pass through there so we need to guard it. Maybe if we remove all the waters surrounding the Philippines, there might be plenty of submarines around us,” pahayag ni Empedrad.