-- Advertisements --

Muling nagpamalas si Pole vault star Mondo Duplantis ng kanyang galing matapos magkuwalipika sa final ng World Athletics Championships sa Tokyo noong Sabado, gamit lamang ang dalawang mahusay na lundag na ayon sa kanya ay parang warm-up lang.

Ang 25-anyos na Swedish vaulter, na kilala sa madalas na pagbasag ng sarili niyang world record, ay kumpiyansang tatangkain ang 6.30 meter sa final —isang sentimetro lang ang taas kaysa sa kanyang kasalukuyang record na naitala sa Budapest noong nakaraang buwan.

Matapos ang tahimik na Tokyo Olympics noong 2021 dahil sa pandemya, masayang-masaya si Duplantis sa pagbabalik sa National Stadium.

Kasama niyang pumasok sa final sina Emmanouil Karalis ng Greece, Sam Kendricks ng US, at Kurtis Marschall ng Australia, matapos ang malinis na lundag sa 5.75m.

Bukod sa pagiging kampeon sa Olympics at World Championships, patuloy na binibigyang interesting ni Duplantis ang pole vault, isang event na karaniwan lang nasa likod ng Track and Field.