-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng kanilang pagbabalik ang Korean group na MOMOLAND.
Ayon sa kanilang agency na sa darating na Setyembre 8 ay ilalabas nila ang bagong album.
Mayroon na aniya silang nagawang bagong music video para sa nasabing album.
Huling kanta na inilabas nila ay ang “Yummy Yummy Love” kasama ang Dominican singer na si Natti Natasha.
Magugunitang noong Pebrero 2023 ng kinumpirma ng six-piece member ang kanilang paghihiwalay matapos ang pitong taon na pagsasama-sama.