-- Advertisements --

Ramdam pa rin hanggang ngayon ang pagka-shock at pagkadismaya ng Miami Heat team at marami nilang fans matapos na maitsapuwera sila sa NBA Finals at sa halip ang umusad ay ang Boston Celtics.

Para sa Miami, heartbreaking loss ang nangyari na mahirap talagang malunok.

Maging ang Filipino-American coach ng Heat na si Erik Spoelstra at kanyang mga coaching staff ay humihirit pa rin sa NBA na dapat pag-aralan at balikan ang ilang pangyari.

Tinawag pa ni coach Spo ang nangyari daw sa third quarter na siyang “momentum changing” pero hindi pumabor sa kanila ang pagtawag ng referee.

Sana gawin daw itong case study ng NBA para sa pag-aralan sa mga susunod na panahon.

Ang tinutukoy ng coach ay ang naipasok na 3-pointers ng Miami guard na si Max Strus may 11 minuto ang nalalabi sa third quarter, upang sana ay mabawasan ang kalamangan ng Boston na umabot pa sa 17.

Gayunman pagkalipas ng ilang sandali, na shock na raw si Spoelstra na binaligtad ng NBA replay ang 3-point shot.

Sa kabila nito, aminado rin naman ang top tactician ng Miami na marami pa sana silang pagkakataon at oportunidad na maipanalo ang game.

Pero may mga sablay ding tira at desisyon ang mga players.

Agad namang nilinaw ng Fil-Am coach na hindi naman siya “nagsa-sourgraping” sa kanilang pagkatalo.

Ang Game 1 ng NBA Finals sa pagitan ng Celtics at Warriors ay sa Biyernes na doon sa teritoryo ng Golden State simula alas-9:00 ng umaga.