Pumalo na sa tatlong milyon ang Instagram followers ng singer na si Moira Dela Torre.

Inanunsiyo nito kasabay ang pagpost niya ng larawan sa photo-sharing app.

May caption ito ng pagpapasalamat sa lahat ng kaniyang mga fans.

Umaasa rin ito na madaragdagan pa ang followers at magiging matagumpay ang career sa ngayong 2020.