Emosyonal si Moira dela Torre ng tanggapin niya ang multiplatinum certification ng kaniyang album.

Mayroon kasing kabuuang 11 platinum awards ang nakuha nito.

Walo dito ay mula sa album na “Malaya”, dalawa sa kantang “Ikaw at Ako” at platinum award sa “Patawad”.

Dahil dito ay itinuturing siya na female OPM artist na may pinakamaraming digital platinum certifications.