KORONADAL CITY – Dumulog sa Bombo Radyo Koronadal ang isang concerned citizen kaugnay sa modus na isinasagawa ng iilang indibidwal hinggil sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay alyas Joshua, binigyan silang mga estudyante ng lehitimong mga Social Amelioration Program (SAP) cards at pumila sa isang remittance company upang kunin ang P4,950 na benepisyo kung saan ay binabantayan sila ng limang lalaki.
Ngunit matapos nila umano itong ma-claim ay binibigay ang karamihan sa mga ito sa isang babae na tinatayang 30-anyos ang edad at P500 lamang ang binibigay sa kanila.
Sinaban daw ang mga ito na kunin nang personal ang iba pa sa Lutayan, Sultan Kudarat.
Inihayag nito na alam niyang mga kuwalipikadong mga benepisyaryo nito ay mga mahihirap na mga pamilya at mga walang trabaho kaya ganun na lang ang pagdududa nito nang binabantayan sila sa pag-claim ng naturang ayuda.
Sa ngayon ay humihingi ito ng tulong sa mga otoridad na kaagad itong maaksiyunan at mahuli ang mga responsable.