CENTRAL MINDANAO- Pinalawig ng North Cotabato provincial government ang pagpapatupad nito ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Hulyo 15, 2020.

Ibinatay ang nasabing kautusan alinsunod sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 at suportado ni Governor Nancy Catamco.

Naging epektibo ang nasabing kautusan ngayong araw, Hulyo 1.

Ngunit mananatili pa rin ang pag-oobserba sa mga preventive measures katulad ng physical distancing at ang pagsuot ng facemask, maging ang pagbabawal sa mga kabataan na may edad 21-anyos pababa, mga senior citizen at mga maysakit na lumabas ng bahay.