KORONADAL CITY – Pinalawig ng South Cotabato provincial government ang pagpapatupad nito ng modified general community quarantine hanggang Mayo 31, 2020.
Batay sa executive order (EO) No. 27 na inilabas ni South Cotabato governor Reynaldo Tamayo Jr, ibinatay ang nasabing kautosan matapos tinukoy ang Rehiyon 12 na nasa low-risk ng quarantine zones.
Sa nasabing bagong EO, kabilag na dito ang pagbubukas na ng dagdag na mga negosyo upang mapanumbalik ang ekonomiya sa probinsiya.
Naging epektibo ang nasabing kautusan ngayong araw, Mayo 16.
Ngunit mananatili pa rin ang pag-oobserba sa mga preventive measures katulad ng physical distancing at ang pagsuot ng facemask, maging ang pagbabawal sa mga kabataan na may edad 20 anyos pababa, mga senior citizen at mga maysakit na lumabas ng bahay.