-- Advertisements --

Todo pasasalamat si Justice Sec. Menardo Guevarra sa mga tech companies na nagpahayag ng kanilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga human trafficking.

Una rito, aminado si Guevarra na malaki ang tulong ngayon ng modernong mga teknolohiya para sa pagresolba sa mga kasong may kinalaman sa human trafficking.

Ito ang inihayag ng kalihim sa mga participants ng ika-anim na Manila International Dialogue on the International Day againts Human Trafficking.

Layon ng naturang event na pag-isahin ang komprehensibong international approach para mapigilan at malabanan ang human trafficking.

“There is a realization and consensus among stakeholders that developments in technology that have spawned new ways of committing trafficking can also be harnessed and utilized to respond to trafficking,” ani Guevarra.

Ang suporta umano ng mga tech companies para matuldukan na ang human trafficking ay sa pamamagitan ng pag-develop ng mga tools and technology solutions laban sa human trafficking.

Binigyan diin ng Department of Justice (DoJ) secretary na ang sukatan ngayon ng human trafficking investigations ay idinidikta ng mga traffickers at mga sindikato.

Pero dahil daw sa pagdami ng mga private sectors na sumusuporta at nais na ring matuldukan ang human trafficking ay ito naman ang siya ngayong nagiging daan para ipursige ng mga otoridad ang pagsugo sa human trafficking.

“Fortunately for us, the shift towards a virtual practice of discourse is also an opportunity to have a glimpse of what the future of counter-trafficking means for our country and for the world in general. As 2020 comes to a close, we are gaining a better understanding of what a global response to trafficking will look like in this decade and beyond,” dagdag ng kalihim.

Maalalang noong buwan ng Mayo, sa kasagsagan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine aat karamihan sa mga korte at opisina ng mga prosecutors ay nakasara dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay nasaksihan ng bansa ang virtual promulgation sa conviction ng notorious American pedophile na si David Timothy Deakin.

Ang hatol ay ibinaba ni Judge Irineo Pangilinan Jr. ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 58 sa pamamgitan ng online proceedings.

Isa pang hatol para sa large scale trafficking dahil sa prostitusyon ay na-promulgate din sa pamamagitan ng videoconferencing isa Cebu.

Ang parehong binasahan ng sakdal ay nasintesiyahan nang habang buhay na pagkakakulong.