-- Advertisements --

Posibleng sa susunod na linggo ay mag-a-apply na ang American drug firm na Moderna ng application para sa emergency use authorization (EUA) ng kaniyang COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Kinumpirma ito ni Food and Drugs Administration (FDA) Director-General Eric Domingo matapos na makipag-ugnayan sa kanila ang nasabing kumpanya.

Dagdag pa nito na halos linggo-linggo ay tumatawag sa kanilang tanggapan ang nasabing kumpanya para sa aplikasyon nila.

Isa sa dahilan na tinitignan nito gaya ng ibang pharmaceutical companies ay hindi pa sila handang mag-suplay ng mga bakuna sa bansa.

Tiniyak naman nito na sakaling makapag-aplay na sila ngayong buwan ay matatapos nila ang evaluation sa buwan ng Mayo.