-- Advertisements --

Kinasuhan ng pharmaceutical company na Moderna ang Pfizer at BioNTech dahil umano sa paglabag sa patents central ng kanilang mRNA technology platform.

Ayon sa kumpanya na naniniwala sila na ang COVID-19 vaccines ng Pfizer at BioNTech ay nilabag ang patent ng nila na inihain mula 2010 hanggang 2016.

Inakusahan pa nito ang dalawang pharmaceutical company na nangopya ng kanlang technolohiya ng walang pahintulot.

Nais ng kumpanya na matanggal ang pagbebenta ng Pfizer ng kanilang mga bakuna.

Magugunitang nangungunang COVID-19 vaccines ang ginagamit sa US ang Pfizer at Moderna kung saan pinakamarami dito ay ang Pfizer.