Isinasagawa na ang mga paghahanda para sa repatriation sa Nigeria ng mga labi ni Divine Adili, student-athlete ng Ateneo de Manila University, halos dalawang linggo matapos siyang masawi sa insidente ng pagkalunod sa Aurora kasama ang teammate na si Rene Baterbonia.
Ayon sa Ateneo, nakikipag-ugnayan ito sa pamilya ni Adili at sa mga kaukulang awtoridad upang maisakatuparan ang kanyang pag-uwi at paglilibing sa Nigeria ayon sa kagustuhan ng kanyang pamilya.
Isa si Fr. Munching de Guzman, SJ sa dalawang kinatawan na sasama sa paghatid sa labi ni Adili sa kanyang bansa, at sinisimulan na nito ang mga kinakailangang paghahanda para sa pagbiyahe.
Samantala, idinaos na ang public wake at candle-light service para kay Adili, habang nakiramay rin ang Embahada ng Nigeria sa Maynila sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
















