-- Advertisements --

Inirekomenda na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Act laban kay dating Ateneo head coach Tab Baldwin at 10 miyembro ng coaching at support staff.

Kaugnay ito ng pagkamatay ng student-athletes na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili sa isinagawang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Lumalabas kasi sa imbestigasyon ng PNP-CIDG na ang isinagawang seawater training ay maituturing na hazing dahil nagdulot umano ito ng physical pain bilang rekisito sa pananatili sa koponan at naging bahagi rin ng pagpili sa magiging final lineup ng Ateneo para sa susunod na UAAP season.

Kinumpirma naman ng Department of the Interior and Local Government na layunin pa ng aktibidad na hamunin ang physical at mental health ng mga atleta.

Ayon pa sa mga imbestigador, lima sa mga manlalaro ang nagsabing hindi sila marunong lumangoy, ngunit itinuloy pa rin umano ang water training sa kasagsagan ng high tide, kung saan nalunod ang dalawang biktima.

Hinihingiaan pa ng Bombo Radyo ang ang ng kampo ni Tab Baldwin at iba pang indibidwal laban sa naturang isasampang kaso.