Naglaan si Pope Leo XIV ng paunang emergency aid na nagkakahalaga ng €100,000 (humigit-kumulang $114,000) para sa mga biktima ng malalakas na lindol na tumama sa Venezuela.
Ayon sa Vatican, magmumula ang pondo sa Apostolic Almonry, ang tanggapan na nangangasiwa para sa mga magagandang gawain sa mga komunidad na nangangailangan.
Sinabi ng Vatican na ang naturang halaga ay paunang tulong lamang upang makatulong sa agarang relief at rescue operations para sa mga biktima ng kalamidad.
Matatandaang niyanig ang Venezuela ng magkasunod na malalakas na lindol na may lakas na magnitude 7.2 at 7.5. Dahil dito, umabot na sa hindi bababa sa 164 katao ang nasawi batay sa paunang ulat ng mga awtoridad.
Patuloy rin ang paghahanap at pagsagip sa mga posibleng nakaligtas sa mga apektadong lugar habang tinataya pa ang lawak ng pinsala sa imprastraktura at kabuhayan.
Bukod sa Vatican, nagpahayag na rin ng tumulong ang ilang bansa at organisasyon kabilang ang Cuba, Iran, Italy, Estados Unidos, at European Union.















