Mas lalo pang gumanda ang mobile at broadband global performance rankings ng Pilipinas noong buwan ng Disyembre/
Ito ay base sa pinakahuling survey ng Ookla Speedtest Global Index.
Ang median average mobile internet download noong Disyembre ay nasa 19.2 Mbps na siyang naging dahilan kung bakit nasa ika-89 na spot ang bansa o mas mataas ng isa kumpara sa mga nakalipas na buwan.
Para naman sa fixed broadband, ang average median download speed noong nakaraang buwan ay 50.26 Mbps.
Dahil dito, umakyat sa ika-siyam na puwesto ang Pilipinas pagdatying sa fixed broadband na ngayon ang nasa 63rd rank.
Ang mga bansa namang mayroong pinakamataas na median mobile internet download speeds ay ang United Arab Emirates, Norway, South Korea, China at Qatar habang ang Singapore, Chile, Thailand, Hong Kong atMonaco ay nanguna sa fixed broadband global performance.