Isinasapinal na ng Department of Migrant Workers ang ilulunsad na mobile apps na maaaring magamit ng mga OFWs.
Ang nasabing Apps ay bahagi ng digitalization effort ng ahensiya upang mas mabilis pa ang mga transaksyon ng mga Overseas Filipino Workers.
Sa pamamagitan ng nasabing apps, maaari nang makapag-proseso ang mga OFWs ng mga Overseas Employment Certificate(OEC). Mas mabilis ito kumpara sa pagtutungo pa sa mga opisina.
Maaari na ring maibigay agad ang OEC sa mga ito, sa pamamagitan pa rin ng nasabing apps.
Maliban dito, maaari ring humingi ang mga OFWs ng emergency assistance.
Ayon sa DMW, may mga Filipino Community leaders na rin sa iba’t ibang mga bansa na nag-volunteer upang maging instructor at maturuan ang mga OFWs para sa paggamit sa nasabing Apps.
posibleng sa susunod na linggo ay maisasakatuparan na ito.