-- Advertisements --
Ibinida ngayon ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang ilulunsad nilang mobile app para sa mga commuter ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1.
Ayon kay LRMC president and chief executive officer Juan Alfonso, magbibigay daan ang naturang app para ma-navigate ng mga pasahero ang biyahe ng tren, gayundin ang oras ng mga biyahe nito.
Magbibigay din daw ito ng option sa commuter kung alin sa mga istasyon ng LRT-1 ang pwedeng sakyan kung magkaroon ng traffic sa linya.
Binabagtas ng LRT-1 ang mga siyudad ng Pasay, Maynila, Caloocan at Quezon City.
Nagsisimula ang istasyon nito sa Baclaran at nagtatapos sa Roosevelt.










