Pinaghahandaan na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagdiriwang ng kanilang ika-50 taon.
Ayon kay MMFF Executive Committee na pinamumunuan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Don Artes na inaasahan na nila ang malalaking artista at film producers.
Napili ang lungsod ng Maynila bilang maging host ngayong taon na siya rin ang unang host ng MMFF noong ito ay itinaguyod noong 1974.
Itinakda naman sa Mayo 15 ang deadline ng pagsusumite ng mga letter of intent sa pagsali.
Ang unang apat na pelikula ay iaanunsiyo sa Hulyo 1 habang ang ikalawang batch ay sa Oktubre 15 ito iaanunsiyo.
May ilang aktibidad na isasagawa sa buwan ng Disyembre gaya ng pagsasama-sama ng mga nanalong best picture at ipapalabas ito sa mga sinehan na may ticket price na P50 lamang bilang bahagi ng 50 anibersaryo ng MMFF.