-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ni Sen. Manny Pacquiao magkaroon ng malaking pagbabago sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Pacquiao na maliban sa pagiging senador at boksingero ay isa ring artista na gumanap sa ilang pelikula, na siya mismo ang nag-produce.

Batay sa kaniyang inihaing Senate Bill 2017, panahon na para makilala ang annual film fest bilang Philippine Film Festival.

Itinatag ang MMFF noon pang 1975, kung saan naging tampok na rito ang paglalaban-laban ng naglalakihang pelikula sa pagsapit ng holiday season.

Naniniwala si Pacquiao na mas lalakas ang Philippine movie industry kung magkakaroon tayo national film festival na maaaring mapanood hanggang sa kadulo-duluhan ng Pilipinas.