-- Advertisements --

Pinulong ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Carlo Dimayuga III ang kanilang mga accredited towing service.

Tinalakay dito ang ilang reklamo na masyadong mataas ang paniningil nila.

Kasama sa pulong sina MMDA Acting General Manager Engr. Baltazar Melgar, MMDA Traffic Engineering Center Director Neomie Recio, at MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement Atty. Vic Nuñez.

Bukod pa dito ay sinabihan ng MMDA chairman na dapat ay huwag ng ibiyahe ng mga towing service ang mga sirang truck at dapat ay unahin muna ang pagtulong bago ang paghatak.

Nauna rito ay pinulong din ng MMDA ang mga mall owners ng Metro Manila para pag-usapan ang maaaring gawin sa pagbawas ng mga sasakyan na bumabiyahe lalo ngayong holiday season.

Ilan sa mga panukala ay ang paglipat ng mga opening hours at closing hours para hindi sumabay sa rush hours ganun din ang paglipat sa weekends ang mga gagawing Christmas sales.