-- Advertisements --
image 235

Nakipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para talakayin ang contingency plan para sa transport strike na itinakda sa Lunes, Oktubre 16.

Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, magtatayp ang ahensya ng multi-agency command center para subaybayan ang mga development sa panahon ng transport strike.

Inatasan din ni Lipana ang pagpapadala ng mga sasakyan mula sa mga local government units (LGUs) at barangay sa mga strategic areas para sa mabilis na paggamit ng mga apektadong commuters.

Kung matatandaan, kinumpirma ni Transport group Manibela head Mar Valbuena na itutuloy nila ang welga sa Oktubre 16 para iprotesta ang umano’y katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinamumunuan ng noo’y chairman na si Teofilo Guadiz III.

Sinuspinde na si Guadiz habang nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Transportation.

Sa kasalukuyan, magpapakalat din ang MMDA ng karagdagang mga tauhan upang sumubaybay sa magiging kalagayan ng transport strike sa darating na Lunes.