-- Advertisements --

Kukuha ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 300 contact tracers para ma-contain ang pagkalat ng COVID-19 sa harap nang pagtaas ng mga naitatalang kaso kada araw sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA chairman Bejamin Abalos Jr. sumulat na siya kay Interior and Local Government Undersecretary Bernard Florece Jr. para mag-request ng mas maraming contact tracers.

Noong nakaraang taon lang ay aabot sa 46,338 contact tracers ang nakuha ng DILG mula sa kanilang 50,000 quota.

Ganito karami ang kanilang kinuha upang sa gayon ay matunton ang mga close contacts ng mga COVID-19 infected patients sa buong bansa.

Natapos ang kontrata ng mga ito noong Disyembre 31, 2020.

Subalit, ayon sa DILG tanging 15,000 contact tracers lamang ang kanilang kukunin ulit dahil sa limitadong budget.