-- Advertisements --

Magtatalaga ang Metropolitan Manila ­Development Authority (MMDA) ng 70 ­miyem­bro ng Motorcycle Strike Force sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila

Ang nasabing hakbang ay upang mas mapabilis ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan at Mabuhay Lanes na ginagamit ding alternatibong ruta lalo na ngayong nalalapit na holiday season.

Ang strike force na mga nakamotorsiklo at may kasamang tow trucks na ipakakalat sa Metro Manila, ay upang mas mapabilis ang clearing operations at mabilis na pagdakip sa mga motoristang iligal na pumaparada.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na gagamit ng body-worn cameras ang naturang strike force.

Una na rito, layunin ng motorcycle riding enforcers na mapuntahan ang hindi bababa sa 10 lugar ng kada team.

Ang nasabing plano ng MMDA ay upang mas mapamahalaan din ng maayos ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.