-- Advertisements --

Aminado ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sobra o excessive na ngayon ang volume ng mga sasakyan sa mga kalye sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, batay sa kanilang datos nuong 2021 nasa 300,000 additional vehicles ang naitala sa buong bansa at nasa 70% dito ang bumibiyahe papasok ng Metro Manila.

Sinabi ni Chairman Artes, batay sa isinagawang Traffic Summit,nag-agree ang mga concerned agencies at stakeholders na dumalo sa nasabing event na panahon na para bawasan ang bilang ng mga sasakyan o kung hindi i-spread out all throughout the day.

Layon nito para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Inihayag din ni Artes na sa ngayon ang EDSA Bus Carousel program ng gobyerno ay nagpaikli din sa biyahe ng mga commuters sa end-to-end travel time mula one hour and 30 minutes at maximum.

Sinabi ni Artes, ang dating end-to-end travel time sa EDSA ay aabot hanggang two to three hours.

Samantala, dahil sa tumataas na volume ng mga sasakyan sa mga lugar na nasa Alert Level 1, iminungkahi ng MMDA ang dalawang options sa implementation ng expanded number coding scheme sa National Capital Region.

Sa first option, ang mga sasakyan na may plate numbers ending sa odd numbers na 1, 3, 5, 7, at 9 ay hindi papayagan lumabas ng kalye tuwing Lunes at Huwebes mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Habang ang mga plate numbers ending sa even numbers gaya 2, 4, 6, 8, at 0 ay hindi naman pwedeng lumabas tuwing Martes at Biyernes same time periods.

Tuwing Miyerkules lahat ng sasakyan ay maaaring lumabas dahil walang number coding.

Sa second option naman ang mga sasakyan with plate numbers ending sa 1, 2, 3, at 4 hinde pwedeng lumabas sa kalye tuwing Lunes; plate numbers ending sa 5, 6, 7, at 8 bawal lumabas ng Martes; plate numbers ending sa 9, 0, 1, at 2 bawal tuwing Miyerkules; plate numbers ending sa 3, 4, 5, 6 bawal tuwing Huwebes at plate numbers ending sa 7, 8, 9, at 0 ay bawal tuwing Biyernes.