-- Advertisements --

Hindi binabalewala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang anumang epekto ng gagawing tigil pasada ng mga transport group.

Sinabi ni MMDA chairman Romando Artes, na nagiging minimal lamang ang nasabing epekto tuwing nagkakaroon ng tigil-pasada.

Sa mga nagdaang transport strike kasi ay may ilang pampasaherong jeepney operators ang hindi sumasali.

Gayunman ay tiniyak ng MMDA na maglalaan sila ng mga libreng sakay sa mga maaapektuhan na mga pasahero.