Personal na nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, para idulog ang kumakalat na vaccine at vaccine slots for sale.
Kasama pa ng MMDA chief ang kaniyang asawang si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, para matutukan ang ginagawang imbestigasyon.
Una rito, lumutang ang ulat na nangyayari ang naturang vaccine scam sa Mandaluyong at San Juan City.
Maliban sa NBI, nag-iimbestiga na rin ang PNP-CIDG hinggil sa bagay na ito.
Hinimok naman ng DILG ang publiko na isumbong sa mga otoridad ang anumang impormasyon ukol sa vaccine at “vaccine slots for sale.”
Kaugnay nito, nagbanta ng patung-patong na kaso ang DoJ at DILG laban sa mga responsable sa iligal na aktibidad.