NAGA CITY – Patay ang isang miyembro ng umano’y Landicho drug group matapos pagbabarilin sa Brgy. Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Isidro Castillo Suayan alias Aga, 52, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napag-alaman na habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima ng bigla na lamang umano itong pinasok ng hindi pa makilalang mga suspek.
Nabatid na pinagbabaril-patay ang biktima kung saan agad namang nakatakas ang mga suspek.
Base sa imbestigasyon napag-alaman na nag-o-operate sa bayan ng Candelaria nag nasabing groupo.
Na-recover sa crime scene ang tatlong fired cartridge cases ng caliber .45 na baril.
Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa pagkakaaresto sa nasabing mga suspek.