-- Advertisements --
Inaasahan na makakakuha ng suporta ang Ukraine para maging miyembro ito ng European Union.
Nakatakda kasing magsagawa ng dalawang araw na summit ang 27 liders ng European Unon at inaashang mabibigyan ng EU candidate status ang Ukraine at Moldova.
Sinabi ni European Council President Charles Michel na wala itong nakikitang problema sa pagiging miyembro ng Ukraine sa EU.
Isa lamang magiging balakid dito ay matatagalan ang proseso ng nasabing pagiging miyembro ng EU ng Ukraine.