Arestado ang isang hinihinalaang miyembro at financier ng teroristang Abu Sayyaf sa isinagawang operasyon ng PNP CIDG kahapon.

Nakilala ang suspek na si Abulbatta Abubakar alyas Imran.

Ayon kay CIDG-NCR chief, SSupt. Wilson Asueta na si Abubakar ay nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Aniya,si Abubakar ay sangkot sa Sipadan kidnapping nuong 2000 sa Sabah Malaysia.

Sa report na nakuha ng CIDG nabatid na nagpadala ng pera si Abubakar kina ASG leaders Radulan Sahiron at Isnilon Hapilon habang ito ay nasa Jeddah Saudi Arabia mula sa taong 1997 hanggang sa kasalukuyan.

Una ng inaresto si Abubakar nuong October 26 nang dumating ito sa bansa pero pinakawalan din ito ng immigration dahil sa kakulangan ng ebidensiya,