-- Advertisements --
image 425

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy ang isinasagawang pagsusumikap ng goberyno para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ang kaniyang binigyang-diin sa ginanap na AFP Council fo Sergeants Major sa Malacañang kung saan iginiit ng pangulo ang kahalagahan ng pagpapanatili ng depensa ng estado, soberanya, at patrimony ng ating bansa.

Ayon sa pangulo, nananatiling matatag ang gobyerno para sa layunin nitong pagsasagawa ng transforming at modernizing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas para gawin itong isang world-class force na iginagalang at nirerespeto ng mga counterpart nito na maipagmamalaki ng ating bansa.

Aniya, patuloy na isusulong ng administrasyon ang mga programa at patakaran na magsusulong sa kapakanan ng bawat miyembro ng kasundaluhan at kanilang mga pamilya.

Kasabay nito ay sinabi Pangulong Marcos Jr. na asahan ang kaniyang magiging buong suporta sa AFP upang matiyak na madali itong makaka-adapt at makapaghanda sa anumang contingency na kinakailangan.