CENTRAL MINDANAO- Binabalot ngayon ng takot ang mga residente ng Sultan Kudarat Maguindanao.

Tuwing hatinggabi ay may nagpapakita na misteryosong nilalang sa Barangay Limbo sa bayan ng Sultan Kudarat.

Kinomperma mismo ni Brgy Limbo Barangay Chairman Pendatun Talusan na may grupo ng mga tao na nangangatok sa mga kabahayan.

Ayon sa mga nakakita sa misteryosong mga nilalang ay matatangkad, mahaba ang buhok, maitim, mahaba ang mga kuko at animoy naliligo ng langis.

Dagdag ni Kapitan Talusan na nagkahabulan pa umano sila sa mga misteryosong nilalang kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ngunit bigla na lamang itong naglaho sa dilim.

-- Advertisement --

Marami ang naniniwala na posibling aswang ang umatake sa ilang barangay sa Sultan Kudarat Maguindanao o kaya grupo lamang ng mga magnanakaw.

Sa ngayon tuwing gabi ay nagpapatrolya ang mga opisyal ng Barangay katuwang ang BPAT sa bayan ng Sultan Kudarat.