LA UNION – Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang 66-anyos na mister matapos itong malunod sa ilog sa bayan ng Barangay San Antonio, Aringay, La Union.

Nakilala ang namatay na biktima na si Felipe Ferera, residente ng Barangay Nazareno sa nabanggit na bayan.

Base sa report ng Aringay Police, nagtungo umano ang pamilya ng biktima sa ilog para mag-picnic.

Napag-alaman na nagkaroon ng inuman ang mga ito kung saan ay naligo sa ilog na nasa impluwensya umano ng alak ang biktima.

Samantala, ito na ang ikalawang biktima ng pagkalunod na naitala sa lalawigan sa pagbubukas ng taong 2020.