-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ng babaeng ikaapat na dinapuan ng Omicron coronavirus variant.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergerie na agad silang nagsagawa ng tracing sa mga nakasalamuha ng Omicron positive at lumabas na nagpositibo sa COVID-19 ang asawa nito.
Dahil dito ay agad na itong naka-isolate sa quarantine facility ng bansa.
Kumuha na rin sila ng samples at isailalim ito sa genome sequencing para malaman kung ito ay Omicron variant.
Magugunitang isang 38-anyos na babae ang kaso ng Omicron variant na galing sa US at dumating sa bansa noong Disyembre 10.