ROXAS CITY – Patay ang isang mister matapos aksidenteng nabaril ang kaniyang sarili habang nililinisan ang baril nito sa loob ng kaniyang kuwarto sa Barangay West Villaflores, Maayon, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Harry Madahan, 56, residente rin ng naturang lugar.

Base sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Roxas, naglilinis umano ng kaniyang 12-gauge shotgun ang biktima nang aksidente itong pumutok at natamaan sa kaniyang ulo.

Ikinagulat naman ng kaniyang anak nang makarinig ito ng putok at nang pumasok sa kuwarto ng ama, gumulantang sa kaniya ang biktima na may tama sa ulo at wala nang buhay.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.